Tuesday, February 11, 2014

Our Lady of Lourdes

DSCN1458

Na-late ako ng gising... Ayun, di tuloy ako nakawitness ng healing mass in honor of Our Lady of Lourdes.  nabanggit ko na dati pa na may grotto kami sa bahay. Yun nga lang hindi ko naman masyadong alam ang history nun.  Nung tinanong ko si Ina, di rin niya alam.  Basta daw may faith siya at hindi na niya kailangan malaman.  Di daw siya familiar sa apparitions basta yung faith niya na miraculous ang grotto.  Oh, well.  So ayun konting research.  Napag-alaman ko na may healing powers yung water.  Eh kailangan ko ng bonggang healing and miracles ngayong panahong ito tapos nagising ako 7:30.  Eh yung mass mamaya di ko alam kung Lourdes mass pa din yun.  Tapos bigla kong naalala yung grotto dito.  Nag-internet ako kung anong ichura ng sa may Novaliches kasi sabi ni Ina ganun daw ichura nun.  May nakita akong note dun na halos katulad daw yun ng sa Lourdes.  Then it hit me...  Why am I so worked up to attend the morning mass when I have my own Lourdes grotto at my house. Maghukay kaya ako?

No comments:

Post a Comment