Friday, August 23, 2013

Yes!

Yes! I am using an orange-themed design.  Wala akong no-choice.  I can be considered as an IT enthusiast, but I am lazy looking for other purple-shaded theme.  Yan lang theme na yan maganda yung fitting ng ibreviary widget.  Tinatamad na din akong mag-customize kasi kailangang saglit lang ako dito dahil may paper pa akong hindi tapos.  At over due na ito dahil walang pasok.  Pero at least malapit na (I think!) akong matapos.  Okay naman ang simplicity ng orange.  Sana nga lang a bit purplish or pinkish...


I always believe that before I pray, God already knows what my heart desires.  Kaya malamang sa malamang na alam ni God na I will enjoy living alone and peaceful.  Kung sa apostolic ang term ay single blessedness, sa contemplative ang ginamit na salita ay hermit, nabasa ko sa internet ay Urban Monk. I find it fascinating to be like one.  Or maybe to be one.  Pero sa ngayon, I am temporarily broke.  It is by choice, I guess.  And absolutely no regrets.  It is a perfect time to reflect how I really wanted to live my life.  Faith and education.  Magdasal at mag-aral.  I am really enjoying every single bit of it.  Yung magdasal samahan pa natin ng pag-reflect.  Soon, hopefully matutunan ko ng gamitin yung actual book ng Breviary at Lection Divina.  Nakakapag liturgy of the hours ako dahil sa tulong ng internet at hindi ko pa rin matutunan kung paano mag-flip ng pages kaya di pa ako bumibili ng sarili ko.  Sana may magbigay sa akin nun... Hehehe!!! Gusto ko ng portable 1 volume chaka yung 4 volume.  Greedy talaga.  Hahaha!!! Gusto ko kasi ng may comparison.  Sa internet kasi iba yung hymn na nakasulat dun kaysa dun sa ginagamit sa simbahan.  Ayokong bumili ng sariling books kasi baka mahal.


Yun pa.  Magdasal at mag-aral.  Masaya na ako dun.  Pero kasi kailangan ko ng sustainability ng buhay.  Kailangan ko ng pera.  Pwede bang kumita sa career ng pagdadasal at pag-aaral bukod sa pagpasok sa religious life.  I really do enjoy praying but I enjoy living independently.  Gusto oras ko ang pagdadasal ko.  Madalas  (as in) hindi ako faithful sa prayer time ko.  Kung nasa loob ako, talagang may oras.  Mahirap din ang buhay sa loob.  Baka ang mangyari, I am doing things for the sake of doing things.  Ayoko na nun.  Gusto ko I am doing things worth offering sa Panginoon.  Pero kailangan ko pa rin ng pera.


Tayo na at mag-reflect.  Taken from the Gospel Mt. 2:14, "Many are called, but few are chosen."  Parang sa engineering lang din yan.  Marami kaming kumuha ng course na Engineering, pero konti lang silang Licensed Engineer.  Parang bokasyon lang yan.  May mga nasa pre-novice pero di na nakarating sa pagka-novice.  Marami ring lumelevel-up na sa formation pero hindi na  na nakayanan hanggang forever vow.  Marami jan, elementary pa lang nasa seminaryo na.  Natapos na rin nila yuung theology.  Before ma-ordain, ayaw pala nilang mag-pari.  Meron naman jan forever vow na, nag-asawa pa rin.  Hindi na nahintay ang release galing sa vatican.


Many are called, and they said yes.  Pero bakit hindi sila naka-abot sa finish line? Is it because hindi naman pala yun ang calling nila?  Or baka nasa sarili din?  Hindi nila kayang mag-commit?  Or called sila pero hindi chosen?  Kaya kailangan ng matinding preparation para maging worthy tayo sa Panginoon kasi nga tinawag niya tayo.  Dun na lang tayo sa hindi pala yun ang calling nila.  Or pwede naman, lahat tayo may calling hindi lang tayo nakikinig ng maayos?  Possible kasi kamukha lang nun ang tunay na calling natin.  Baka confused lang talaga tayo.  Kaya kailangan natin talaga ng matinding discernment at pagdadasal kay God.


Tama ba ang bagay na sinasabihan natin na, "Yes! Lord.  I will go wherever you lead me."  Parang kanta lang yan.


Tinawag mo ako, O Panginoon,
dagli akong tumugon sa tinig Mo.
Tanda ng pasasalamat sa pag-ibig Mo
na sa tuwina'y nadarama ko.


Ako'y namangha sa 'Yong kabutihan
Tunay na wala Kang katulad

Sa bawat sandali ng aking buhay, Ikaw ang siyang gabay
Sa oras ng lungkot, pagkabigo, ako'y muling binubuo.
Luha ko't pasakit ay Iyong pinaparam.
Sa paglubog nitong araw, sa pagsapit ng dilim
Ang tangi kong hiling ay humimlay sa 'Yong piling.

Labis ang galak ko Panginoon,
'pagkat Ikaw lamang sa buhay ko.
Kagandahang loob Mo ay walang hanggan,
ligayang lubos kailanman.

Katapatan Mo ay di magmamaliw
Kailanpama'y siyang aking sandigan.

An sarap ng feeling magsabi ng "Yes, Lord!"  We feel grateful that we have been called by God to serve Him.  Pero maraming paraan at hindi lang sa pagpasok sa religious life / clergy.  Baka dapat ang dagling pagtugon hindi mag-isa, may partner na kasama.  Sabi nga sa kanta "Ang tangi kong hiling ay humimlay sa 'Yong piling", kapag ba gusto maging to be with God forever, mag-isa na agad? Baka kailangan dalawa kaming hihimlay with God.  Kaya nga diba ang vocation, isang daan to be closer with God.  Kung yung lifetime partner ay magiging susi para lalong mapalapit kay God, go na!  Kung sino man yun, baka hindi para sa kanila ang pag-iisa


I believe, we have our own ways in preparing ourselves to become a worthy offering to God.  Bakit hindi niya tayo pinili for some things that we want?  Baka hindi tayo para dun.  Basta we must strive sa pang-araw-araw nating buhay na maging worthy para tawaging "chosen."  Di ibig sabihin hindi na nakatagal sa religious formation, eh hindi na chosen.


God's time is always perfect.  Kaya "Yes, Lord!" kahit saan.  Yun nga lang, kapag mas napapalapit kay Lord, dun mas dumadami ang mga temptations... Hindi kaya temptation ay test kung hanggang kailan tatagal sa loob?  Sa aking opinion hindi.  Isang way yun para mag-reflect kung saan ba talaga mas productive na ma-ooffer ang sarili kay God.  Sa paanong paraan magiging mas mabuti tayo para ihandog sa Panginoon.


It is not "I've seen the sign."  I think it is better na "I felt and realized some signs."  I will go check it out and see what's in it for me.  Basta "For the greater glory of God", "Live Jesus in our hearts, Forever."

No comments:

Post a Comment